SIMPLE MACHINES PH
Marcelo Green Village, Paranque City
Warehouse: General Trias, Cavite
09275700621 | smph@livegood.contact
Halos lahat ng sagot sa inyong katanungan ay nandito na po, basa muna bago magtanong sa amin. To order, nasa pinaka-ibaba ng page ay makikita ang ORDER button.
BAKIT KAILANGAN MO ANG MACHINE
Unang-una, hindi mo na ibabyahe ang sako-sakong palay paroon at parito sa pakiskisan at mag-antay ng mahabang pila, minsan pangit pa ang quality output dahil luma na ang konohan. Kung may sarili kang machine, ikaw na mismo ang gagawa nito sa bahay kung kailan mo gusto, at maganda pa, well-milled ang output ng bigas na pwede mo rin pagkakitaan.
ANG RICE MILLER
Ang rice milling component ang nag gigiling sa palay upang maging bigas habang pinaghihiwalay naman nito ang pinong darak (kasama ang ipa) at kaunting nadudurog na bigas. Bukod pa rito, madali nitong maalis ang balat ng mga ilang uri ng beans, kabilang ang kape, dawa, mais, at iba pa.
Pwede din ito gamitin sa pag crack ng corn upang maging 'corn grits' at magagawa mo din adjust ang grit size nito sa pag pihit ng pressure adjusting knob.
ANG GRINDER/CRUSHER
Ang gamit nito ay sa pagdurog o pag pino ng iba't ibang uri ng pinatuyong butil (grains) upang maging pulbos (powder) o pwede din nito durugin (cracked), kabilang ang mais, beans, bigas, trigo, paminta, pinatuyong luya o turmeric, halamang gamot, at lahat ng pwede gawing pulbos.
Ang Mini Rice Mill Models 1, 2 and 3 with 3hp Full Copper Electric Motor ay isa lang po ang price.
OUR PRICE = 30K 25K
Delivery CASHBACK example:
for LUZON, VISAYAS, MINDANAO = -2.5k
Kung PICK-UP = -3k
Kung RESERVED = -3k
Ibig sabihin, ay ibabalik namin ang para sa delivery na hindi lalagpas sa mga nasabing amount.
Halimbawa sa VISAYAS:
Kung ang delivery charge ng nakuha nating cargo papunta sa inyong lugar ay 2,200, at ang CASHBACK namin sa Visayas ay hanggang -2,500 sa delivery, ibig sabihin may sobra pang 300 pesos na sukli sa inyo.
PARA SIGURADO KA SA BIBILHIN MO AT MATULUNGAN KA MAG DECIDE, TAP O CLICK MO LANG ANG MARAMI PANG MGA KATANUNGAN SA IBABA...
👇👇👇
PRE-ORDER = 25K - 5K Discount - 2.5K sa Delivery
(50% Down / 50% COD)
Pre-order Computation Video
ITO AY APPLICABLE LANG KUNG ANG MACHINE AY HINDI PA AVAILABLE SA AMING STOCKS. Ang 'pre-order' ay maaaring ang mga machines ay kasalukuyang ginagawa pa lang sa factory o pwedeng ito ay nasa byahe na papunta dito sa Pilipinas. Mas makakamura kami sa bultuhang order at pag-consolidate ng pag-angkat nito, kaya naman naipapasa din namin sa inyo ng mas mababang presyo. Karaniwan, inaabot ito ng 2 weeks sa production, dagdag pa ang 20-25 days from port of origin patungo sa Manila port, pag-release sa customs, at delivery sa aming warehouse.
Total discount = 5k + 2.5k = 7.5k
Simple lang ang usapan: kung gusto mong makamura, dapat 'willing to wait' ka. Kung kailangan mo agad, meron kaming ready stocks na available, selling at regular price.
FULL COD = 25K + Delivery
(Delivery / 100% COD No Cashback)
Mas pabor po ito sa amin, pwede natin ipadala sa mga cargo na gaya ng LBC, 2Go, Air21, J&T etc. pero ang rate nila ay higit o sobrang mas mahal kumpara sa delivery/cargo service na gamit namin. At kailangan din po muna bayaran ang shipping fee bago ipadala ang machine. Pabor sa amin ito, pero, ayaw naman po namin mapamahal ang babayaran ng aming mga customers dahil diyan sa delivery fees.
Mayroon kanya-kanyang advantages pareho ang machines, at depende din ito kung saan n'yo ito palagi gagamitin. Panoorin ang video upang mas maintindihan ng mabuti...
Paalala: May mga ibang machines na pareho lang ang itsura ng aming 1 Funnel, pero ito po ay walang naka installed na GRINDER o CRUSHER sa body nya kaya naman ito ay mas mura.
Panoorin ang pwede din gawin sa machine...
Marami na ang nagsabi sa amin na maganda ang output ng bigas, hindi durog, malinis, maputi pero depende din yan sa ganda ng palay na gigilingin mo. Katunayan, ang mini rice mill machine ay pasado sa AMTEC UP Los Banos Testing Center na may gradong 'WELL-MILLED' na abot sa 65% to 67% recovery rate.
Pwedenging pwede po at maganda din ito gamitin sa mais. Pwedeng cracked corn or corn grits, at pwede din powdered corn...
Panoorin ang machine in action...
Importante na malinis ang palay bago pumasok sa machine upang maiwasan ang pagbara at pagkabungi ng sieve or screen nito, kaya naman may ginawa kaming paraan na pwede nyo gayahin.
Ang mini rice mill na may destoner or dirt separator attachment ay mas mahal ng +10k-15k pesos kumpara sa aming machine. Kung kaya din naman mag DIY, gagastos ka lang ng hindi lalagpas sa 2k pesos ay may destoner or dirt separator ka na. Panoorin...
Marami pong available na pamalit sa parts. At dahil napaka simple lang ng mechanism nito, hindi mo na kailangan tumawag pa ng technician para magpalit ng parts o magkompuni ng machine.
Ang maganda pa, hindi ito maselan sa parts para hahanapan mo ng exact model. Kung mahilig ka mag DIY, pwede mo pagawa sa metal shop gaya ng mga blades ng grinder etc. Ang hexagonal rice mill screen at sa grinder screen lang ang kailangan ay standard pero marami naman mabibilhan.
Kakaunti lang ang parts na kailangan imaintain dito, ito ay ang mga consumables:
1.) Hexagon Screen (P380/pc)
2.) Grinder/Crusher Screen (P300/pc)
3.) Grinder Blades/Paddles (pwedeng improvised!)
Click here to ORDER...
Panoorin ang mga consumable parts ng machine dito...
Sa mga customers na natanong namin kung ilang kaban bigas ang nagagawa nila sa isang araw, ang sagot ay halos pare-pareho na hindi daw bumababa sa 20 kaban bigas (50kg/kaban). Kung ang machine ay makakagawa ng at least 3 kaban bigas (150kg) sa isang oras...
Sa 4 oras ay 12 kaban,
sa 8 oras ay 24 kaban,
sa 12 oras ay 36 kaban.
Maaaring maging kulang o higit pa diyan ang magagawa n'yo sa nasabing bilang dahil depende din yan sa ganda ng palay na ginigiling ang paglakas o paghina output ng buhos ng bigas.
Madali lang po mag compute ng konsumo sa koryente pero alamin muna ang rate ng provider n'yo sa inyong lugar. Halimbawa, ang average rate sa Maynila ay P11/kwh...
Kung sa 4 hrs ay makakagawa ka ng 12 kaban bigas (50kg/kaban), at ang average singil sa kuryente ay P11 pesos per kwh, ganito po ang pag compute kung ang motor ay tumatakbo ng 2.2 kw power...
KONSUMO SA KORYENTE:
4 hrs x P11 x 2.2 kw
= P96.80 / 12 kaban
= P8 / 1 kaban
Sumatotal, hindi aabot sa bente sentimos (20 cents) ang gastos sa koryente, ay makakagawa ka na ng isang kilong bigas.
= P0.16 per kilo
Dahil sa napaka-simple, kakaunti lang ang parts at dali mag maintain ng machine, may mga customers po kami na umabot na sa 5 years ang kanilang machines na hanggang ngayon ay gamit parin nila sa pag giling. Katunayan, ang Simple Machines PH po ay mayroon din for our own use at ito ay umabot na ng over 6 years at hanggang ngayon ay gamit parin po namin.
Hindi kami makapagbibigay ng eksaktong shipping time sa dahilan na ito ay depende na sa cargo or logistic company.
Estimated time frame:
METRO MANILA
Same day to next day delivery
LUZON
2 to 3 working days
VISAYAS & MINDANAO
Within 1 week lamang po pag commercial cargo, pero minsan ay lumalagpas din depende na yan sa pag transport ng cargo.
Meron din mabibilis ang byahe kapag 'PASABAY' sa mga byahero na umiikot dito sa Metro Manila at umuuwi ng kani-kanilang mga probinsya.
Kapag nakuha na po ng cargo ang mga machines sa amin, kayo na po ang bahala makipag communicate sa kanila.
Dahil imported po ang mga machines, ang maibibigay lang namin na local warranty ay hanggang 60 days sa electric motor.
Mayroon po tayong step-by-step video guide sa pag assemble ng machine. Hindi po ito komplikado at madali lang po ito sundan pero kailangan po ng at least isang tao para may katulong sa pag assemble dahil medyo may kabigatan po ang ilang mga parts nito.
IMPORTANT: Mag message po agad sa amin kapag nareceived na ang machine, at huwag umpisahan mag assemble kung hindi pa nakukuha ang video guide o manual sa amin upang hindi magkamali. Kasama din sa guide ang pag assemble, troubleshoot at pag maintain ng machine. ANG WARRANTY PO AY MAGIGING 'VOID' KAPAG HINDI N'YO ITO SUSUNDIN.
Ang kagandahan ng machine na ito ay napakadali gamitin at imaintain...
Sa General Trias, CAVITE ang WAREHOUSE namin, kung saan pwede n'yo pickupin ang ordered na machine at makamura. PAALALA: Wala pong demo machine dito at hindi po ito showroom, plainly rented storage space lang po ito at wala din maniningil ng payment sa warehouse.
Sa Marcelo Green Village, PARANAQUE CITY naman ang Fullfillment Office kung saan nag-aarrange ng mga for PICKUPS and DELIVERIES. Dito din dinadala ang mga RESERVED machines bago dalhin ang mga stocks sa warehouse.
Pwede din magbayad gamit ang Credit/Debit cards (+3.5% processing fee) through Paypal...
© 2023 Simple Machines PH
Phone: 09275700621 | Paranaque City