SIMPLE MACHINES PH
Marcelo Green Village, Paranque City
Warehouse: General Trias, Cavite
09275700621 | smph@livegood.contact

Halos lahat ng sagot sa inyong katanungan ay nandito na po, basa muna bago magtanong sa amin. To order, nasa pinaka-ibaba ng page ay makikita ang ORDER button.

BAKIT KAILANGAN MO ANG MACHINE

Unang-una, hindi mo na ibabyahe ang sako-sakong palay paroon at parito sa pakiskisan at mag-antay ng mahabang pila, minsan pangit pa ang quality output dahil luma na ang konohan. Kung may sarili kang machine, ikaw na mismo ang gagawa nito sa bahay kung kailan mo gusto, at maganda pa, well-milled ang output ng bigas na pwede mo rin pagkakitaan.

ANG RICE MILLER

Ang rice milling component ang nag gigiling sa palay upang maging bigas habang pinaghihiwalay naman nito ang pinong darak (kasama ang ipa) at kaunting nadudurog na bigas. Bukod pa rito, madali nitong maalis ang balat ng mga ilang uri ng beans, kabilang ang kape, dawa, mais, at iba pa.

Pwede din ito gamitin sa pag crack ng corn upang maging 'corn grits' at magagawa mo din adjust ang grit size nito sa pag pihit ng pressure adjusting knob.

ANG GRINDER/CRUSHER

Ang gamit nito ay sa pagdurog o pag pino ng iba't ibang uri ng pinatuyong butil (grains) upang maging pulbos (powder) o pwede din nito durugin (cracked), kabilang ang mais, beans, bigas, trigo, paminta, pinatuyong luya o turmeric, halamang gamot, at lahat ng pwede gawing pulbos.

© 2023 Simple Machines PH
Phone: 09275700621 | Paranaque City